Susunod na Presidente, dapat matapang at masigasig kontra korapsyon ayon kay Pangulong Duterte

441

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang susunod na kanyang president ay matapang at masigasig sa paglaban sa korapsyon sa gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Metro Manila Skyway Stage 3, aminado si Pangulong Duterte na hindi madali ang paghabol sa mga tiwali.


Binanggit ng Pangulo ang anomalya sa ilang public works projects kung saan ang pinapaboran ang ilang contractors sa biddings.

Binanatan din ni Pangulong Duterte sa mga nasa likod ng maanomalyang biddings para sa mga infrastructure projects ng gobyerno dahil kadalasang nauuwi ang mga proyekto sa substandard o hindi nakukumpleto o naaayos.

Umapela rin si Pangulong Duterte sa mga husgado laban sa paglalabas ng Temporary Restraining Orders (TRO) sa mga government project.

Ang mga TRO aniya ang nagpapaantala ng mga proyekto.




Hinikayat din ni Pangulong Duterte ang publiko na isumbong ang anumang korapsyon lalo na sa infrastructure projects.

Facebook Comments