Susunod na season ng PBA, posibleng maantala

41

Posibleng maantala ang susunod na season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa darating na March 2021.

Ito’y dahil sa commitment ng mga teams sa PBA sa Gilas Pilipinas.

Kasama rito ang availability ng players sakaling kunin ang kanilang serbisyo sa national team sa ilalim ng Program Director nito na si Tab Baldwin.

Matatandaang magsasagawa ang FIBA Asia ng bubble type format sa susunod na dalawang window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa darating na November at February kung saan ang PBA ay gagawin din ang ganitong format sa pagpapatuloy ng Philippine Cup.

Nang tanungin naman si PBA Commissioner Willie Marcial kung papayagan maglaro ang ilang mga PBA players sa Asia Cup Qualifiers sa darating na Nobyembre, sinabi nito na wala pa siyang natatanggap na notice sa Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Facebook Comments