Swab test sa mga babaeng inmate sa Pasay City Jail, ipinagpatuloy ngayong araw

Ipinagpatuloy ngayong araw ng Pasay City Health Office ang swab test sa mga babaeng inmates ng Pasay City Jail.

Kasama rin sa sumailalim sa swab test si Deputy Warden Jail Senior Insp. Orlando Alicante at ilang jail personnel.

Noong nakaraang linggo tatlong inmates mula sa female dormitory at dalawang jail personnel ang nagpositibo sa swab test at naka-isolate na sila ngayon sa Cuneta Astrodome isolation facilities at sa World Trade Center.


Binakante na rin ang isang selda ng female dorm kung saan dito ilalagay ang mga inmate na magpopositibo sa COVID-19.

Facebook Comments