Swab test-upon-arrival policy, ipatutupad pa rin ng Cebu

45

Nanindigan si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na ipatutupad pa rin nila ang kanilang swab test-upon-arrival policy sa returning Overseas Filipino Workers (OFWs), taliwas sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines.

Giit ni Garcia, mananatili ang kanilang COVID-19 protocols hangga’t hindi iniuutos ng korte na ito ay “ultra vires” o pag-abuso sa kapangyarihan.


Aniya, mayroong ordinansang ipinasa ang kanilang provincial board na dapat nilang sundin.

Batay sa patakaran ng Cebu Local Government Unit (LGU), agad isinasailalim sa COVID-19 test ang mga biyaherong dumarating doon at istriktong quarantine at muling sasailalim sa swab test sa ikapitong araw.

Facebook Comments