
Magbibigay ng tulong pinansiyal at technical assitance ang Sweden para sa transport modernization ng bansa.
Kabilang sa mga proyektong bibigyan ng suporta ay ang EDSA busway, Iloilo Santa Barbara Bus Rapid Transit at feasibility study para sa planong Subic-Clark-Manila-Batangas Freight Railway.
Pinag-usapan ito sa pulong sa pagitan ng ambassador ng Sweden sa Pilipinas na si Anna Ferry at Department of Transporation (DOTr) Secretary Vince Dizon.
Inaasahan na masisimulan na ang paglulunsad ng Philippine-Sweden Rail Alliance and Airport Upgrade Initiative sa katapusan ng Abril.
Facebook Comments