Sweet message ni Nico Bolzico para kay Solenn, nagpakilig sa netizens

“So much kilig” ang hatid sa netizens ng viral post ng model-businessman na si Nico Bolzico para sa kanyang asawang si Solenn Heussaff.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Nico ang larawan ni Solenn na naka-white dress habang ipinapakita ang kanyang baby bump.

Sa caption, inamin ni Nico na feeling “useless” siya habang nakikita ang pagbubuntis ni Solenn.


Akala rin daw niya ay kilalang-kilala na niya si Solenn pero binago ng pregnancy journey ng aktres ang pagtingin niya rito bilang babae.

Labis aniya ang paghanga niya sa ipinapakitang pagmamahal at tapang para malagpasan ang lahat ng kanilang pagsubok.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Nico si Solenn sa mga ginagawa nito para sa kanilang pamilya.

Si Solenn ay anim na buwan nang buntis para sa first baby nila ni Nico.

Facebook Comments