SWELDUHAN | No work, no pay – ipatutupad sa Chinese New Year at EDSA People Power Anniversary

93

Manila, Philippines – Magpapatupad ng “No Work, No Pay” para sa mga manggagawa sa private sector bukas, February 16 at sa darating na February 25.
Kaugnay ito ng selebrasyon ng Chinese New Year at EDSA People Power Revolution sa mga nabanggit na petsa.
Base sa Labor Advisory No. 3 ng Department of Labor And Employment (DOLE) tatanggap ng karagdagang 30 percent ang arawang sweldo ng mga papasok sa trabaho.
Karagdagang 30 percent hourly rate naman kung mag-o-overtime.
At para sa mga empleyadong magka-cancel day off, karagdagang 50 percent naman sa arawang sahod.

Facebook Comments