SWERTE | Canadian teenager na napagtripan lang maglaro sa lotto, panalo ng jackpot prize

161

Canada – Talaga namang inambunan ni lord ng swerte ang isang Canadian teenager matapos na matiyambahan ang jackpot prize sa lotto scratch ticket.

Kwento ni Charlie Lagarde, bumili lang siya ng champagne sa isang convenience store sa Quebec nang mapagtripan niyang maglaro sa lotto.

Katunayan, first time daw niya itong ginawa bilang bahagi na rin ng kanyang 18th birthday ngayong buwan.

Kaya naman laking gulat niya nang mapanalunan ang 780,000 dollars na jackpot prize na katumbas lang naman ng mahigit 40-milyong piso.

Dahil dito, bongga ang debut ni Charlie habang planado na rin kung saan niya gagamitin ang pera at kabilang rito ang pag-travel at pag-aaral ng photography.

Facebook Comments