Swimming at diving activities sa Isla Verde, ipinagbawal na ng PCG

Dalawang barangay na sa Isla Verde sa Batangas ang apektado ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Bukod sa Barangay San Agapito, apektado na rin ng tumagas na langis ang Barangay Sto. Domingo.

Kaninang umaga nang kumpirmahin ng Philippine Coast Guard – Batangas, umabot na sa Verde Island ang oil spill.


Dahil dito, ipinagbawal na rin ang swimming at diving activities doon.

Wala pa namang anunsyo mula sa lokal na pamahalaan hinggil sa posibleng pagpapatupad ng fishing ban.

Samantala, pinangangambahan din na umabot sa mainland Batangas ang oil spill.

Facebook Comments