SWS SURVEY | Net trust rating ni P-Duterte – tumaas!

677

Manila, Philippines – Tumaas ng limang puntos ang net trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong quarter ng taon.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong September 15 to 23 tumaas ang net trust rating ng Pangulo sa +62 mula sa +57 noong Hunyo.

Lumalabas na 74 percent ng mga Pinoy ang tiwala pa rin kay Pangulong Duterte, 12 percent ang nagsabing may kaunting tiwala pa sila habang 14 percent ang undecided.

Matatandaang bumaba ang trust rating ng Pangulo noong second quarter ng taon sa 57 percent mula sa dating 65 percent noong Marso.

Facebook Comments