Sylvia Sanchez, ibinahagi ang ‘magandang’ kapalit nang pagkakaroon noon ng COVID-19

Muling binalikan ng aktres na si Sylvia Sanchez ang naging karanasan niya na sumubok sa tatag ng kaniyang pananalig sa Diyos.

Ito ay matapos magpositibo ang aktres sa COVID-19 kasama ang kanyang mister na si Art Atayde.

Ayon kay Sylvia, mas naging matatag ang kanilang pamilya dahil sa nangyaring ito.


Habang marami rin aniyang biyaya ang dumating sa kanyang buhay, simula nang gumaling sila sa COVID-19.

Sa ngayon, lubos ang naging pasasalamat ni Sylvia sa mga taong tumulong at nagdarasal sa kanilang paggaling noon.

Facebook Comments