Thursday, May 14, 2026

SYMS Construction, binuksan dahil umano sa panghihikayat ni ex-DPWH Engr. Hernandez —Santos

Binuksan umano ang SYMS Construction Company ni Sally Santos dahil sa panghihikayat ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez.

Ito ang naging testimonya ng may ari ng SYMS Construction na si Sally Santos sa kaniyang pagharap sa Sandiganbayan Fourth Division para sa pagdinig sa graft case ni dating Senador Bong Revilla.

Sinabihan umano siya ni Hernandez na kikita siya sa negosyo sa pamamagitan ng pagpapahiram ng lisensya ng construction firm para sa mga proyekto ng gobyerno.

Nang tanungin ng mga justices kung alam niya na ang pangunahing layunin ng akusado na hiramin lamang ang kanyang lisensya, ang sagot ng testigo ay, “Tama po, your honor.”

Batay kay Santos, ang SYMS ay itinayo noong 2021 at unang nagsagawa ng mga minor projects, gaya ng mga multi-purpose na gusali kung saan siya ay lumahok sa mga bidding para sa mga proyekto ng gobyerno.

Muling itinakda sa May 20 ang susunod na pagdinig.

Facebook Comments