TAAS PRESYO | Excise tax sa produktong petrolyo, mararamdaman na ngayong linggo

65

Manila, Philippines – Mararamdaman na ngayong linggo ng mga motorista ang epekto ng dagdag buwis sa mga produktong petrolyo.

Ito’y dahil paubos na ang mga stock ng langis na nabili ng mga oil companies noong nakalipas na taon.

*Excise tax*
Gasolina: 2.97 pesos kada litro
Diesel: 2.80 pesos kada litro

Kasabay nito, nagmahal din ang presyo ng imported na petrolyo.

*Oil price:*
Gasolina: 80-90 centavos kada litro
Diesel/kerosene: 40-50 centavos kada litro

Kung susumahin, ito ang inaasahang presyo ng petrolyo na may patong na ng excise tax:

Gasolina: 3.77 hanggang 3.87 pesos kada litro
Diesel: 3.20 hanggang 3.30 pesos kada litro

Facebook Comments