
Muling asahan ang pagtaas sa presyo ng mga produtkong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE) ito’y batay sa apat na araw na traiding kung saan inaasahan ang P0.15 hanggang sa P0.60 na dagdag sa presyo ng gasolina.
Habang may dagdag din na P0.50 hanggang P0.90 sa presyo naman ng diesel.
Sa kerosene naman asahan itong P0.25 hanggang P0.40 na dagdag presyo sa kada litro.
Ang sinasabing nakaaapekto sa umento ng presyo ng langis ay dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine maging itong nagpapatuloy na wildfire sa Canada.
Facebook Comments