Taas-presyo sa pangunahing bilihin, ramdam na ng mga mamimili

87

Ramdam na ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na ipinatupad noong nakaraang buwan.

Kabilang dito ang ilang de lata, kape, gatas, instant noodles at condiments.

Sa pag-iinspeksyon ng Department of Trade and Industry (DTI) kahapon, nakita nilang sumusunod naman ang mga grocery store sa Suggested Retail Price (SRP) at may iba na mas mababa pa rin ang presyo kumpara sa panibagong SRP.


Tiniyak naman ni DTI Usec. Ruth Castelo na mahigpit silang magbabantay para masigurong nasusunod ang SRP.

Setyembre nang magpalabas ng bagong SRP ang DTI matapos na aprubahan ang hirit na taas-presyo ng mga manufacturer.

Facebook Comments