Taas presyo sa Petrolyo, ipatutupad bukas

67

Muling aarangkada bukas ang dagdag presyo sa krudo, gasolina at gas matapos ang malaking bawas sa presyo ng oil products noong nakaraang linggo.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis, alas-6:00 bukas ng umaga, September 22, ay mayroong 60 centavos sa kada litro ng gasolina habang 20 centavos ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.

Ang mga kompanya ng PTT Philippines, Cleanfuel, Total at Petro Gazz ang magpapatupad nito.

Habang ang Cleanfuel, Shell Philippines, Caltex Chevron at Petron ay may 60 centavos sa kada litro ng gasolina, 20 centavos sa krudo at 55 centavos sa gas.

Ayon naman sa pahayag ng mga motorista, binawian agad sila ng mga oil companies matapos ang malaking rollback sa petrolyo noong nakaraang linggo.

Facebook Comments