Taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Magsisimula na ngayong araw ang papatupad sa dagdag singil sa presyo ng produktong petrolyo sa ilan pang kumpanya ng langis.

Magtataas ng presyo ang ilang kumpanya tulad ng Petron, Flying V at Phoenex Petroleum.

Aabot sa P0.35 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina habang P0.20 naman sa kada litro ng diesel.


Tataas din ang presyo ng kerosene ng mahigit P0.25 kada litro.

Ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagmahal ng krudo sa merkado.

Facebook Comments