Taas-presyo sa produktong petrolyo, ipapatupad bukas

45

Muli kasing tataas ang presyo ng produktong Petrolyo ngayong Linggo.

Sa abiso, ang Pilipinas Shell ay magpapatupad ng ₱0.30 na dagdag sa kada litro ng Gasolina, ₱0.65 sa Diesel, at ₱0.50 sa Kerosene.


Ganitong halaga rin ang ipapatupad ng Petro Gazz maliban sa Kerosene.

Ang Oil Price Adjustment ay ipapatupad alas-6:00 ng umaga bukas, December 3.

Base sa datos ng Department of Energy (DOE) mula nitong Nobyembre 12, ang Year-To-Date Adjustments ay may NET Increase na ₱5.89 kada Litro ng Gasolina, ₱3.52 sa Diesel, at ₱0.75 sa Kerosene.

Facebook Comments