Taas presyo sa produktong petrolyo, nagbabadya!

122

Matapos ang limang sunod na oil price rollback, nagbabadya naman sa susunod na linggo ang taas presyo sa produktong petrolyo.

Batay sa pagtataya, 10-centavos ang posibleng itaas sa presyo ng langis.

Sa gasolina, mula sa P1.60 ay posibleng umakyat sa P1.70 ang kada litro nito.


Habang posibleng umakyat naman P1.35 mula sa P1.25 ang presyo ng kada litro ng diesel at mula sa P1.20 ay umabot na sa P1.30 ang kada litro ng kerosene.

Sa ngayon ay estimated pa lamang ang mga taas presyo at hindi pa opisyal na nagpapahayag ng price increase ang mga kompanya ng langis.

Facebook Comments