Taas sa pasahe ng PNR, dapat tapatan ng mas maayos na serbisyo sa publiko

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila De Lima sa Philippine National Railway o PNR na tapatan ng mas mahusay na serbisyo sa publiko ang dagdag sa pasahe na plano nitong ipatupad simula sa July 1.

Ang tinutukoy ni De Lima ay ang 3-pisong dagdag sa pasahe sa PNR sa unang 14 kilometro ng byahe nito at dagdag pang 5-pisong patong sa kada zone.

Dahil dito ay magiging 15-pesos na pinakamababang pamasahe sa PNR hanggang sa 53-pesos.


Ayon kay De Lima, dapat maramdaman ng halos 45,000 pasahero ng PNR araw-araw ang 25-porsyente dagdag sa singil nitong pamasahe.

Tanggap ni De Lima ang katwiran na ang pagtaas ng pamasahe ay ang tanging solusyon para sa pagpapatuloy ng maintenance ng PNR.

Pero giit ni De Lima, dapat maramdaman ng mga pasahero ng PNR ang kabutihang dulot ng nasabing fare increase sa pamamagitan ng mas komportable at maayos na pagsakay nila sa mga tren ng PNR.

“With its fare hike, I’m hoping that the PNR has a solid plan for its maintenance. Be mindful that the passengers of the train are forking over their hard-earned money for convenience,” ayon kay De Lima.

Facebook Comments