Taas-singil sa interbank ATM transaction, ipinatupad na ng ilang bangko

66

Ipinatupad na ng ilang bangko ang mas mataas na interbank ATM transaction fee alinsunod sa inaprubahang bagong panuntunan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Magkakaroon ng P18 interbank withdrawal fee at P2 kada balance inquiry ang mga bangkong Banco De Oro (BDO), Metrobank at Bank of the Philippine Island (BPI).


Habang P10 naman ang interbank withdrawal fee ng Landbank at P1 kada balance inquiry.

Samantala, mananatiling libre ang ATM transaction ng mga cardholders na gagamit ng sarili nilang bangko.

Facebook Comments