Tabloid na nagkalat ng fake nude photo ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, hinihingian ng ₱10 milyong danyos at public apology

598
COURTESY: INSTGRAM.COM/@catriona_gray

Humihingi ngayon ng ₱10 milyong danyos at public apology si 2018 Miss Universe Catriona Gray laban sa isang tabloid matapos ilabas ang fake nude photo ng beauty queen.


Una nang nagsampa ng kasong cyber libel at libel si Gray laban sa Facebook administrators, editor at writer ng naturang tabloid.

Ayon sa abogado ni Gray na si Atty. Josabeth Alonso, titiyakin nilang nasa legal ang lahat ng kanilang gagawin para mapanagot ang mga salarin sa pagkasira ng reputasyon ng beauty queen.

Aniya, kilalang “public figure” at “celebrity” si Catriona na nag-uwi ng karangalan sa bansa.

Facebook Comments