TADTAD-PATAY | Nakitang tadtad na katawan sa Davao City, isang babae

53

Davao City – Isang babae pa rin diumano ang nakitang tadtad na ang katawan sa isang sanitary landfill sa Barangay New Carmen, Tugbok District, Davao City.

Ito ang resulta sa ginawang autopsiya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) XI sa nasabing katawan.

Ayon kay Medico Legal Officer PCI Nolan Genova sa SOCO XI na sa ginawang eksaminasyon, napag-alaman na wala ng ring finger ang biktima o tinadtad din aniya ito ng suspek pareho sa sinapit ng isang pang babaeng tinadtad din ang katawan at tinanggalan din ng ring finger na nakita noong buwan ng Hulyo nitong taon.

Dagdag pa nito na di pa rin nakikilala ang mga identity ng dalawang biktima.

Samantala sinabi naman ni Police Regional Office (PRO-XI) Regional Director Police Chief Superintendent Marcelo Morales na hindi nila titigilan ang imbestigasyon sa nasabing mga insidente hangga’t sa makakakuha na sila ng lead sa motibo sa pagtadtad-patay sa mga babaeng biktima at maaresto ang mga gumawa sa karumal-dumal na krimen.

Facebook Comments