Tagapagsalita ng Bucor, kinumpirmang positibo siya sa COVID-19

44

Kinumpirma ni Bureau of Corrections (BuCor) Public Information Office Chief Gabriel Chaclag na positibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Chaclag, siya ay sumasailalim ngayon sa mandatory quarantine matapos siyang makaranas ng mild symptoms.

Aniya, noong Martes ay sumailalim siya sa COVID test at ngayong araw lamang lumabas ang resulta kung saan nagpositibo siya sa virus.

Pinapayuhan naman ang mga tauhan ng BuCor na nakasalamuha ni Chaclag sa mga nakalipas na araw na makipag-ugnayan sa Directorate for Health Sevices (DHS) para sa assessment at swab testing.

Sumailalim na rin sa swab test si BuCor Director General Gerald Bantag matapos na dalawang tauhan nito ang ma-infect ng virus.

Sa Lunes inaasahang lalabas ang resulta ng COVID test kay Bantag.

Facebook Comments