Tagapagsalita ng ISIS-East Asia, nasawi sa operasyon ng militar sa Maguindanao

337

Napatay sa operasyon ng militar ang spokesperson ng Islamic State of Iraq and Syria-East Asia (ISIS-EA) sa Maguindanao kahapon ng hapon.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Major Andrew Linao, ang nasawi ay kinilalang si Abdulfatah Omar Alimuden o mas kilala sa tawag na Abu Huzaifah.

Nagsanib pwersa aniya ang 601st Infantry Brigade, 40th Infantry Battalion, at mga intelligence unit para sa special operation sa Barangay Poblacion, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao.


Bukod sa pagiging spokesperson ng ISIS-EA, si Abu Huzaifah ay sinasabing sangkot din sa financial transactions ng Daulah Islamiyah-Philippines sa ISIS Central.

Samantala, binati naman ni Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Alfredo Rosario Jr., ang mga tropa na nakapatay kay Huzaifah at sinabing paiigtingin pa nila ang operasyon sa lugar.

Facebook Comments