Taguig City Government, namahagi ng ₱4,000 financial assistance sa TODA, JODA at PODA; dagdag na ₱4,000, ibibigay sa susunod na buwan

49

Ikinatuwa ng mga tricycle, jeepney, at pedicab drivers ang pagtanggap nila ng ₱4,000 mula sa Taguig City Government bilang cash assistance ng ilan sa mga sectors na lubhang apektado ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Mahigit 15 libong miyembro ng Tricycle Operators and Driver’s Administration (TODA), Jeepney Operators and Driver’s Administration (JODA) at Pedicab Operators and Driver’s Administration (PODA) ang tumanggap ng tulong mula sa Taguig City Government kung saan mahigpit pa rin ipinaiiral ang tamang social distancing upang matiyak na ligtas ang mga drivers.


Naiintindihan naman ng mga drivers ang ginagawang inisiyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Taguig para na rin sa kaligtasan ng mga residente ng lungsod.

Malaking bagay, anila, ang ginagawa ng Taguig City Government sa mga drivers dahil hindi lamang isang buwan kundi dalawang buwan umano ay matutulungan sila maging ang kani-kanilang mga pamilya.

Facebook Comments