Taguig City, may naitalang 17 bagong kaso ng COVID-19

43

Nakapagtala ang lungsod ng Taguig ng mga bagong kaso ng COVID-19.

Batay sa tala ng Local Health Department ng lungsod, pasado alas-9:00 kagabi, meron itong 17 mga bagong confirmed cases ng COVID-19.


Ito ay mula sa Barangay Bagumbayan, Bambang, Central Bicutan, Katuparan, Lower Bicutan, North Daang Hari, Pinagsama, San Miguel, Tanyag, Wawa, Western Bicutan, Maharlika at New Lower Bicutan.

Dahil dito, muling umakyat sa 904 na ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig City.

Mula sa nasabing bilang, 22 rito ay nasawi habang ang 162 naman ay mga gumaling sa sakit na dulot ng virus.

Nasa 3,753 naman ang kabuuang bilang ng suspected COVID-19 cases sa lungsod mula noong Enero 27 hanggang kagabi.

Pakiusap naman ng lokal na pamahalaan ng Taguig City sa mga residente nito na manatili lamang sa loob ng bahay upang maging ligtas laban sa banta ng COVID-19.




Facebook Comments