Taguig City Mega Job Fair | Bilang ng mga employer umabot na sa 55!

Halos 3 oras na mula nang magsimulang tumanggap ng mga magpaparehistrong aplikante dito sa isinasagawang Mega Job Fair ng Taguig City peso sa Vista mall, Taguig City at ganap na 9:00 a.m., nagsimula nang magpapasok ng mga aplikante sa kanilang isasagawang Mega Job Fair ngayong araw.

Pumalo na sa 52 ang bilang ng mga employer na  naghahatid ngayon na humigit kumulang sa 2,000 trabaho.

Isa sa mga kilalang employer na nandito ay ang South Star Drug na naghahanap ng mga registered Pharmacist, Pharmacy Assistant at Pharmacy Assistant Merchandiser na maaaring madestino sa iba’t ibang sangay ng naturang botika.


Ayon kay Jeddy Maceda, isa sa mga recruitment specialist ng South Star Drug, kailangan nila ngayon-na, ng isang pharmacist para sa bubuksan nilang branch sa brgy. Wawa, Taguig City, kailangan din nila ng walong pharmacy assistant doon.

Sa mga interesado, sugod na dito sa Vista Mall, Taguig City dahil bukod sa southstar drug, maraming employer dito na nag-aalok ng mga trabaho. (DZXL RadyoMaN Ronnie Ramos)

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS #XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

Radyo Trabaho textline: 0967 372 9014

Facebook Comments