Taguig City, next target ng Stickering Campaign ng DZXL Pulso ng Metro

72

Papunta bukas ang Pulso ng Metro Team ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa Lungsod ng Taguig.

Dito itutuloy ng grupo ang Stickering Campaign ng Pulso ng Metro at ng Radyo Trabaho sa iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa lungsod.

Ito ay para sa ika-apat na bugso ng Noche Buena gift packs na ipapamigay sa mga maswerteng trike driver na mahuhuling may dikit na Pulso ng Metro at Radyo Trabaho stickers sa kanilang pinapasadang tricycle.


Ang Taguig City ang pag-apat na lungsod na iikutan ng team kung saan higit 500 tricycle mula sa San Juan, Caloocan at Pasig City ang nadikitan na ng stickers.

Ang programang Pulso ng Metro ay mapapakinggan sa DZXL 558 Radyo Trabaho tuwing alas-6:30 ng umaga, alas-12:30 ng tanghali, at alas-6:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Facebook Comments