Taguig LGU, muling nagbukas ng dalawang araw para sa online vaccination slot

35

Inanunsyo ng Pamahalaang lungsod ng Taguig na merong dalawang araw na available slot sa kanilang online COVID-19 registration.

Batay sa kanilang abiso, ito ang Disyembre 9 at Disyembre 10.

Dahil dito, maaaring kumuha ng vaccination slots ang mga kabilang sa Pediatric A3 o mga batang edad 12 hanggang 17 years old or minors with comorbidity at without comorbidity na residente ng lungsod.


Pwede rin kumuha ng slot ang mga adult na residente ng lungsod o edad 18 years old pataas, para sa first dose at kasama na rin ang mga nais magpabooster shots.

Sa ngayon, ang Lungsod ng Taguig ay nakapag administer na ng 1,475,033 dose ng anti-COVID-19 vaccine.

Sa nasabing bilang, 788,650 ang nabakunahan na o 90% ng total target population na 872,980 individuals.



Habang ang 688,950 individuals or 79% ng total population ay mga fully vaccinated na kontra COVID-19.

Facebook Comments