Taguig RTC, nakatakdang magsagawa ng pagdinig sa May 15 para sa Writ of Preliminary Prohibitory and Mandatory Injunction na isinampa ng Taguig laban sa Makati

Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang Taguig Regional Trial Court sa May 15 para naman sa Writ of Preliminary Prohibitory and Mandatory Injunction na isinampa rin ng Taguig laban sa Makati.

Ito ay para hindi maputol ang serbisyo sa mga taga-EMBO kapag napaso na ang 17 araw na temporary restraining order (TRO).

Sa kabila nito, patuloy na magkakaroon ng access ang Taguig City sa mga pasilidad para magpatuloy ang kanilang mga serbisyo sa mga EMBO barangay.

Kasunod na rin ng pagpapalawig ng Regional Trial Court ng Taguig sa TRO na nagbibigay ng direktiba sa City Government ng Makati na itigil na ang pagharang ng mga ito na gamitin ng Taguig ang government-owned facilities ng EMBO barangays.

Matapos na ikandado ni Makati Mayor Abby Binay at kanyang mga tauhan ang mga health center, daycare center, at iba pang pampublikong pasilidad sa EMBO para hindi ito magamit ng mga residenteng sakop na ngayon ng City of Taguig.

Sa Order na may petsang May 8, 2025, inaprubahan ni Branch 163 Presiding Judge Desiree Gertrude Orquiola-Moldez ang 17-day extension mula sa dating 72-hour TRO na inisyu ni Executive Judge Loralie Cruz Datahan.

Alinsunod sa bagong court order, mula May 8 hanggang 24, bawal harangan ni Binay o ng kanyang mga representate ang Taguig na patakbuhin at ipagamit ang mga nasabing pasilidad sa mga taga-EMBO.

Ipinunto ni Orquiola-Moldez ang agaran at ang bigat ng pagkakait ng essential services ng mga residente ng EMBO barangay.

Kabilang sa mga pasilidad na ito ay ang health centers, covered courts, multi-purpose buildings, day care centers, parks at government properties na nakareserba para sa public use sa ilalim ng Proclamation Nos. 518 at 1916.

Facebook Comments