Tagumpay ng ating kickboxing team sa 31st SEA Games, ipinagmalaki ng isang senador

48

Ibinida ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) President Senator Francis Tolentino ang tagumpay ng ating kickboxing sa 31st Southeast Asian Games na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Pagmamalaki ito ni Tolentino, makaraang makapagbulsa ang Philippine kickboxing team ng dalawang gintong medalya, apat na silver medals at 2 bronze medals

Saludo si Tolentino sa kahanga-hangang disiplina ng PH kickboxing team na siyang naging daan ng kanilang tagumpay.


Ayon kay Tolentino, ang mahusay na performance ng PH kickboxing team ay bunga ng dedikasyon at disiplina ng mga atleta nito na dumaan sa matinding pagsasanay sa Mountain Province ilang buwan bago sumabak sa SEA Games.

Facebook Comments