Tail-wagging robot pillow na perfect sa mga pet lover, naimbento sa Japan

20

Japan – Patok ngayon sa mga pet lover pero takot sa responsibilidad na mag-alaga ng sariling hayop ang tail-wagging robot pillow na naimbento sa Japan.

Tinawag itong Qoobo, isang two-pound robotic pillow na pwede mong haplos-haplusin.

Stress reliever din ang fluffy tail nito.

Perfect din daw ito para sa mga mahilig sa hayop gaya ng pusa at aso pero hindi pwedeng mag-alaga dahil sa allergy.

Sa 2018 pa magiging available sa mga tindahan ang Qoobo na mabibili sa halagang 100 dolyar o katumbas ng mahigit limang libong piso.

Dalawang kulay ang pwedeng pagpilian: husky gray at french brown.

Facebook Comments