Taj Mahal, muling bubuksan kasunod ng pagluluwag ng quarantine restrictions sa India

Muling bubuksan sa publiko ang tanyag na Taj Mahal sa India simula bukas, June 16.

Dalawang buwan ito matapos ang tinaguriang “deadly COVID-19 surge” sa India.

Ibinaba na kasi ang quarantine restriction sa ilang siyudad sa bansa gaya ng New Delhi at Mumbai kasunod ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lugar.


Sa kasalukuyan, umabot na sa halos 30-milyon ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa India.

Facebook Comments