Tala ni Sarah Geronimo, nahigitan na ang unang record sa most viewed OPM music video sa YouTube!

87

Panibagong milestone ang nakamit ng music video ni Sarah Geronimo na “Tala”.

Apat na taon nang ma-release ito, umabot na ngayon sa mahigit 160 million ang views nito sa YouTube.


Dahil dito, ang tala na ang itinanghal bilang most viewed OPM music video sa nasabing streaming site.

Nahigitan na nito ang unang record na 141-million views sa most viewed OPM music video.

Kasabay nito, marami bumati sa Asia’s Pop Star Royalty kabilang na rito ang kanyang Viva Artists family.

Una na ring humakot ng iba’t ibang awards sa music industry ang Tala at music video ni Sarah.




Trending din ang Tala fever sa mga social media, TikTok, K-Pop concerts at marami pang iba.

Facebook Comments