Talas ng isipan laban sa cyber warfare, bilin ng Pangulo sa mga bagong sundalo ng bansa

Nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga bagong sundalo na nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) na laging pairalin ang talas ng isipan sa lahat ng pagkakataon.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi sapat ang pisikal na lakas at liksi lamang sa trabahong ito sa gitna ng lumalaking banta ng cyber warfare.

Bukod aniya sa pagkilala, ang pinakamahalagang aral na dapat bitbitin ng PMA graduates ay ang pag-unawa na ang digmaan ay hindi na lamang sa lupa, dagat, at himpapawid nagaganap.

Sabi ng Pangulo, may digmaan na hindi kayang makita ng radar tulad ng laban sa cyberspace, pagprotekta sa impormasyon at kalikasan, at pagtulong sa mga komunidad sa panahon ng krisis.

Kaya mahigpit na bilin ng Pangulo na dapat gamitin ng mga kadete ang kanilang mga natutuhan sa PMA, lalo na sa larangang ng artificial intelligence, drone technology, strategic thinking, at ethical leadership.

Facebook Comments