TALBOG NA TSEKE | Xian Gaza, laya na

68

Manila, Philippines – Nakalaya na ang negosyanteng si Xian Gaza matapos makapagpiyansa sa kasong paglabag sa anti-bouncing checks law.

Matatandaang sumuko si Gaza sa pulis-Malabon nitong Huwebes matapos mapabalitang may dalawang arrest warrant laban sa kaniya dahil sa mga umano’y tinakbuhang utang.

Nagpasalamat si Gaza sa mga tumulong sa kaniya para makalaya mula sa kulungan.

Aabot sa halagang P160,000 na ipinataw na piyansa kay Gaza.

Sumikat ang 24-anyos na negosyante matapos aluking magkape ang aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang billboard.

Facebook Comments