Talisay, Batangas Mayor Gerry, nag-sorry sa naging pahayag ni Vice Mayor Charlie laban sa Phivolcs

445

Humingi ng paumanhin si Talisay, Batangas Mayor Gerry Natanauan sa inasta at pahayag ng kanyang kapatid na si Vice Mayor Charlie Natanauan.

Ito ay matapos himukin ng bise alkalde ang mga kababayan nito na bumalik na sa kanilang mga bahay sa kabila ng ipinatutupad ng lockdown sa loob ng 14-kilometer danger zone mula sa Bulkang Taal.


Ayon kay Mayor Natanauan – humihingi siya ng pasensya para sa kanyang kapatid.

Aminado siya na ang mga sinasabi ng kanyang kapatid ay kontra sa lockdown na kanyang ipinatutupad.

Sinabi ni Mayor Natanauan – hindi niya rin alam kung bakit ito ang mga sinabi ng kanyang kapatid sa mga interview.

Binanggit din ng alkade na mayroong hindi pagkakaunawaan sila ni Vice Mayor Charlie.

Facebook Comments