TALK OF THE TOWN! | Larawan ni Paolo Ballesteros kasama ang kanyang bagong rumored boyfriend – usap usapan sa Instagram

Manila, Philippines – ‘talk of the town’ na naman ang aktor na si Paolo Ballesteros kasunod ng ibinahagi niyang Instagram post kasama ang bagong rumored boyfriend na si Kenneth Gabriel Concepcion.

Sa larawan na ibinahagi lang kaninang madaling araw, makikita sina Paolo at Kenneth na kumakain sa isang restaurant.

May caption lang ito na “Siopao And Steaks” at emojis ng pusa at oso na tila terms of endearment o tawagan nila sa isa’t isa base na rin sa kanilang mga previous post.


“Oso” raw kasi ang tawag ni Kenneth sa kanyang sarili habang kilalang cat-lover si Paolo.

Nito lang October 28 nang mag-post din ng larawan nila si Kenneth habang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City.

Mas lalo pang na-intriga ang mga netizen dahil na rin sa panunukso kay Kenneth ng mismong mga kaibigan niya kay Paolo.

Facebook Comments