TALO | Batang Gilas, talo kontra Australian basketball team sa FIBA U18

26

Thailand – Nabigo ang Philippine team kontra Australian basketball team sa score na 43-77 sa semifinals ng FIBA Under 18 Tournament sa Thailand.

First half pa lang ay hindi na pinabayaan ng Australia na makahabol pa ang Batang Gilas.

Nanguna sa Australia si Samson Froling na nakapagtala ng 12 points habang bumida sa Batang Gilas si AJ Edu na mayroong 9 points.

Dahil sa pagkatalo, makakaharap ng Pilipinas ang China para sa bronze medal habang makakaharap ng Australia ang New Zealand sa finals.

Facebook Comments