TAMA LANG | Pagtatatag ng DDR, suportado ng DND

53

Manila, Philippines – Suportado ni Department of National Defense (DND) Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Chairperson Delfin Lorenzana ang pagbuo ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Ayon kay Lorenzana, ang pagbuo ng DDR ay malaking hakbang ng gobyerno para sa pasusulong ng ligtas, ‘adaptive’, at ‘resilient’ Filipino communities.

Paliwanag ng kalihim, mainam na mayrong ahensya na tututok sa paghahanda at pagtugon sa natural o man-made hazards.

Nagpapasalamat si Lorenzana kay Pangulong Rodrigo Duterte at kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ilang house committee chairpersons at sa pribadong sektor sa pagsusulong ng panukala.

Facebook Comments