TAMANG PROSESO | Pagdeklara sa CPP-NPA bilang terorista, dapat idaan sa legal na proseso

111

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Panfilo Ping Lacson na dapat dumaan sa tamang proseso ang pagdeklara sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army o CPP-NPA bilang teroristang grupo.
Ayon kay Lacson, ang prokalamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pinakamagandang simula ng nasabing legal na proseso.
Paliwanag ni Lacson, nakapaloob sa Sec. 17 ng Human Security Act na dapat ay idulog ito ng Department of Justice sa Regional Trial Court.
Dapat aniya ay masunod ang due process sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa CPP-NPA na ilahad ang kanilang panig.

Facebook Comments