Tandang Sora fly-over, gigibain na para bigyang daan ang istasyon ng MRT-7

109

Quezon City – Isasara na rin para sa mga motorista ngayong araw ang Tandang Sora fly-over sa Quezon City.

Gigibain na ang tulay para bigyang daan ang pagtatayo ng Tandang Sora station ng MRT Line 7.

Kapag isinara na ang fly-over, hindi na makakatawid ng Commonwealth Avenue ang mga galing sa Tandang Sora Avenue.

Sa abiso ng MMDA, ang mga papuntang Katipunan ay maaring kumanan sa Commonwealth at mag-u-turn sa bahagi ng Microtel.

Kung pupunta naman sa Tandang Sora mula Katipunan ay pwedeng mag-u-turn sa C.W. Home Depot o kaya naman sa Diliman Doctors Hospital.

Maari ring dumaan sa Luzon Avenue, Congressional Avenue at Republic Avenue.

Tuloy-tuloy naman ang clearing operations upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa lugar.

Facebook Comments