TANGKANG PAGDUKOT SA ANGADANAN, PINABULAANAN NG PNP

CAUAYAN CITY- Pinabulaanan ng PNP Angadanan ang kumakalat na impormasyon sa social media hinggil sa tangkang pagdukot sa isang bata sa Brgy. Pappat, Angadanan, Isabela.

Batay sa facebook post ng Angadanan Police Station, matapos ang masusing imbestigasyon at beripikasyon, napag-alam na ang kumakalat na impormasyon ay fake news o walang katotohanan.

Binigyang paalala ng PNP ang publiko na ng sinumang magpapakalat ng maling impormasyon sa social media ay maaaring makasuhan ng Cybercrime law.

Kaugnay nito, hinihikayat naman ng mga ito ang publiko na manatiling kalmado at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.

Samantala, tiniyak naman ng PNP Angadanan na patuloy ang kanilang gagawing pagbabantay upang matiyak ang seguridad ng mamamayan.

Facebook Comments