Tangkang pagsagasa ng isang motorista sa isang traffic enforcer, viral sa social media

92

Manila, Philippines – Nagviral sa social media ang tangkang pagsagasa ng isang motorista sa mga traffic enforcer sa may Casiniro Ynares Sr. Blvd. Taytay, Rizal.

Sa video, makikitang sinisita ng mga traffic enforcer ang isang sasakyang may plakang AJA-4427 matapos itong mag-counterflow.

Imbes na huminto ang sasakyan ay patuloy pa rin ito sa pag-abante na halos masagasaan ang humaharang na traffic enforcer.

Sa huli, walang nagawa ang mga traffic enforcer at tuluyan nang nakaalis ang sasakyan.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Law Enforcement Division Chief Francis Almora – tukoy na nila kung sino ang may-ari ng kotse nag-counter flow.

Iginiit pa ni Almora na kailangang sumunod ang mga motorista sa mga tagapagpatupad ng batas trapiko.

Dahil dito, posibleng maharap ito sa kasong kriminal ang nag trending na driver.

Facebook Comments