Tangkang pangingikil ni Sen. Leila De Lima, ibinunyag ni pork barrel queen Janet Lim Napoles

70

Ibinulgar ni Pork Barrel Scam Queen Janet Lim-Napoles na tinangka siyang kikilan o hingan ng pera ni Sen. Leila de Lima na noo'y kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).

 

Ayon kay Napoles, ini-extort siya noon ni De Lima para hindi mabuksan muli ang kasong kinakaharap nito na illegal detention sa complainant at dating tauhan na si Benhur Luy.

 

Iginiit ni Napoles sa ambush interview na wala naman talagang nangyaring illegal detention kay Luy at nadismis na ito noon sa DOJ pero nagulat na lamang siya nang bigla buksan ulit ang kaso.

 

Hindi naman binanggit ni Napoles kung magkano ang halaga o perang ini-extort sa kanya noon ni De Lima kapalit ng hindi pagbubukas sa kaso.

 

Matatandaang naglabas ng komento ang Office of the Solicitor General sa Court OF Appeals na dapat mabasura ang kasong illegal detention.

 

Si Napoles ay humarap sa pretrial sa kasong plunder at graft ni dating Sen. Jinggoy Estrada kung saan ang pork barrel scam queen ay co-acccused ng senador.

Facebook Comments