Tangkang terror attack sa France, napigilan

26

World – Napigilan ng mga otoridad ang tangkang ‘terror attack ang isang lalaki sa Paris, France.

Nasawi ang hindi pa nakikilalang suspek na nagmamaneho ng isang sasakyan na may lamang pampasabog matapos bumangga sa mga hanay ng mga police patrol cars at agad na nagliyab.

Mabilis namang naapula ang apoy at nakuha ang driver.

Narekober sa loob ng kose ang ilang tangke ng gasolina at matataas na kalibre ng baril.

Patuloy na iniimbestigahan ng anti-counter terrorism task force ang hinihinalang naudlot na terror attack.

Facebook Comments