TAPAT NA TRICYCLE DRIVER, NAGSAULI NG NAIWANG SELPON SA DAGUPAN CITY

Isang gawain na karapat-dapat tularan ang ipinamalas ng isang tricycle driver mula sa Barangay Mangin District, Dagupan City matapos niyang isauli ang isang cellphone na kanyang napulot.

Kwento ni idol Julius Masauy, abala siya sa pagtatawag ng pasahero nang mapansin niya ang isang cellphone na naiwan sa isang tindahan ng palamig. Sa halip na balewalain o pag-interesan ito, agad niya itong pinulot at isinuko sa Public Order and Safety Office (POSO) ng lungsod.

Ayon sa POSO, agad ding naibalik sa tunay na may-ari ang naturang cellphone.

Ang simpleng pagkilos na ito ni Idol Masauy, gaano man kaliit o kalaki ay isang inspirasyon at paalala na sa kabila ng mga hamon ng araw-araw mas matimbang ang malasakit at integridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments