TAPATAN | Azkals makakaharap ang Bahrain mamayang hatinggabi

30

Masusubukan ang bagong coach at ang bagong bihis na Philippine Azkals sa unang pagkakataon sa pagharap ng koponan kontra Bahrain mamayang hatinggabi sa Manama.

Sisimulan ni Scott Cooper ang bagong era ng Azkals sa kaniyang unang game bilang head coach ng koponan sa kanilang international friendly laban sa Bahrain.

Habang balik sa Azkals sina Stephan Schrock, Amani Aguinaldo, Luke Woodland, Curt Dizon at Angel Guirado.

Sasabak dinn para sa Azkals ang mga bagong recruit na sina Adam Tull, Louie Michael Casas, Nathanael Villanueva at Jovin Bedic.

Kasama rin sa pool sina Amin Nazari at Alvaro Silva.

Nasa Bahrain din sina Neil Etheridge, Daisuke Sato, Carlos De Murga, Junior Muñoz, Hikaru Minegishi, Paul Mulders, Manny at Mike Ott, Patrick Reichelt, Dylan de Bruycker, Patrick Deyto, Stephan Palla, Fitch Arboleda, James Younghusband at Phil Younghusband.

Ang international friendly kontra Bahrain ay bahagi ng paghahanda ng Philippine Azkals sa pagsabak nila sa darating na 2019 Asian Cup sa UAE.

Facebook Comments