TAPATAN | British boxer Amir Khan, focus ngayon sa nilulutong laban kontra Kell Brook

98

Mas pinagtutuunan na ngayon ng pansin ni British boxer Amir Khan ang laban niya kay British fighter Kell Brook sa kabila ng paulit-ulit nitong pahayag na nais niyang makatapat si pambansang kamao Manny Pacquiao.

Ito ayon kay Matchroom boxing promoter Eddie Hearn ay dahil sa tila hindi naman pinapakinggan ni Pacquiao ang kahilingan ni Khan.

Hindi rin aniya committed si Pacquiao na labanan si Khan at tila mas focus pa ito na magkaroon ng rematch kay Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay Hearn, malaking laban ang tapatang Khan at Brook na posibleng matuloy sa Pebrero o Marso 2019.

Facebook Comments